Hinarang at binangga ng mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na nagsagawa ng medical evacuation sa West Philippine Sea para sa sundalong maysakit sa BRP Sierra Madre, ayon sa Philippine Coast Guard .
"The CCG intentionally rammed as we transfer the personnel from the PN RHIB. The rendezvous point is at 15.43 nautical miles southeast off northeast Entrance of Ayungin Shoal,” dagdag pa ng opisyal.????????China Coast Guard vessels and boats blocked and rammed ????????Philippine boats during a medical evacuation of a sick ????????Filipino personnel in the ????????West Philippine Sea on May 19, according to the ????????Philippine Coast Guard. Videos: PCG @gmanews pic.twitter.
Sa kabila ng ginawa ng CCG, sinabi ni Tarriela na matagumpay pa ring naiwasan ng PCG at Philippine Navy ang barko ng Tsino at nadala sa ospital ang maysakit na sundalo. Tinawag ni Tarriela na “barbaric” at “inhumane behavior,” ang inasal ng CCG. Idinagdag pa niya na gumamit ng “excessive deployment” ang China sa nangyaring insidente na nagpadala ng dalawang China Coast Guard vessels 21551 at 21555, two small boats, at two rubber boats.