This couple from Novaliches is another living testament that love conquers all— in sickness and in health!
“Pinagpray mo po ‘yung tao, parang naisip ko po na ang tagal tagal ako inantay ni MJ kasi apat na taon niya po ako inantay tapos nung kami na, ilang buwan pa lang po nung nalaman po na ganito po ‘yung sakit ko kaya mahirap po,” Wilrene Baldemor Pedreza told The Philippine STAR. “Originally po kasi ‘yung plan namin is next year, itutuloy po ‘yung kasal para makapag prepare kami and kaya lang ganito po ‘yung nangyari. Naospital po siya, isang buwan po siya nasa ospital. Nung panahon na ‘yun, nag-isip na po kami, dapat nga bago siya ipasok, magpapakasal na kami sa civil. Ang nangyari po nun na nagrush ‘yung doctor na kailangan maconfine agad. Sabi namin, after na lang paglabas na lang ng ospital, magpapakasal kami,” groom Mark Joseph Pedreza shared.
“Hindi po biro pero parang sabi ko nga po eh kumbaga si Lord, alam po niya talaga lahat kasi bago ko po ‘to naranasan, binigay na niya sakin si MJ para maging katuwang ko po kasi hindi lang siya physical kumbaga parang emotionally, mentally, spiritually kasi talagang susubukin niya ‘yung faith mo pero sobrang ‘yun po, kumbaga bukod po sa Lord, sa family, kay MJ po talaga parang nakikita ko po siya, sobrang strong po niya,” she said.