MAYNILA—Natuwa ang ilang pamilya na nakakalabas na sila ng bahay ngayong pinapayagan nang lumabas ang mga menor de edad sa ilalim ng Alert Level 2. "I'm sick and tired of staying home. I can finally spend time. I'm afraid, but I'm cautious naman," aniya. "Masaya kami kasi first uli naming mag-bonding after ilang years na talagang nasa bahay kami," ani Chris Echaves.
Naniniwala ang ilang magulang na mahalaga para sa mental health ng mga bata ang pamamasyal para hindi lang puro gadgets at modules ang inaasikaso sa bahay. "Masaya ang mga bata, nakakalabas sila. Iniisip nila sa bahay palagi na lang tahimik. Ginagawa nila sa bahay kain, tulog, laro, mag-module. Na-boring sila," anang mamamasyal na si Roselyn Dela Torre. Babala naman ng ilang doktor gaya ni Dr.